Pumunta sa nilalaman

Portada:Kasalukuyang pangyayari

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
  • Isang lindol na may lakas na Mw 7.8, na ang episentro ay nasa karagatan sa tapat ng Maasim, ang yumanig sa Mindanao, Pilipinas. Naramdaman din ito hanggang sa Leyte, sa mga lalawigan ng Hilagang Maluku at Hilagang Sulawesi sa Indonesya, at sa Sabah sa Malaysiya. Hindi bababa sa 35 katao ang nasawi, mahigit 200 ang nasugatan, at 12 ang nawawala (nakalarawan ang pagguho ng lupa sa Saranggani).
  • Naitala rin ang mga sunami sa Guam, Palau, at ilang bahagi ng Indonesya, Hapon, at Pilipinas. Binawi ng Pacific Tsunami Warning Center (PTWC, o Sentrong Pambababala ng Sunami sa Pasipiko) ang babalang sunami nito para sa Guam at sa Hilagang Kapuluang Mariana, habang inalis naman ng mga ahensiya sa Australya, Malaysiya, at Nuweba Selandiya ang kani-kanilang mga babala. Kalaunan, kinumpirma ng PTWC na lumipas na ang banta ng sunami ilang oras matapos ilabas ang babala para sa ilang bahagi ng Karagatang Pasipiko.
  • Iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos ng Pilipinas ang pagsuspinde ng mga klase sa mga lugar na naapektuhan ng lindol sa buong Mindanao. Nagkataon itong unang araw ng bagong taong panuruan sa bansa.

Nais mong magdagdag ng balita para sa araw ng Biyernes, ika-12 ng Hunyo, 2026? Basahin muna at alamin ang mga panuntunan.

Oras: 10:45 PST
Araw: Biyernes, Hunyo 12, 2026
Sariwain
Hunyo 8, 2026 (Lunes) baguhin kasaysayan bantayan

Sakuna at aksidente

Wikinewsn:
Wikinews

Maari lang po na bisitahin din ang Wikinews upang bumasa at sumulat ng mga artikulong pambalita.